KABANATA 22
Nagising siyang wala na si Hyulle sa tabi niya. Kaya naman umalis na rin siya sa mahiwagang silid at nagbalik sa library kung saan muna siya pinapanatili ni Hyulle. Una niyang tinungo ang banyo upang maligo, habang umaagos ang masaganang tubig sa kanyang hubad na katawan ay nasa isipan pa rin niya ang mga naganap nang gabing iyon.
Unang sumagi sa isipan niya ang nasaksihan niyang pagsisiping ng dawala. Iyon ba talaga ang paraan upang makamit ang kapangyarihan? Ang magsiping? Tanong niya sa kanyang sarili. Hindi niya lubos mawari na iyon lang at wala nang iba pang paraan.
Pero alam niya rin sa kanyang sarili na wala na yatang ibang paraan kundi iyon, kinakailangan na niyang maging malakas, kung hindi ay parati na lang magaganap ang naganap kay Hyulle, kagabi. Iyong ang nagdudulot sa kanya ng matinding takot. Ayaw niyang may mangyari pang masama muli kay Hyulle.noveldrama
Hindi niya alam pero para na rin siyang mamatay kagabi nang makita niya itong halos malagutan ng hininga. Mabuti na lang at alam niyang makapagbibigay ng lakas at nakapagpapagaling ang kanyang dugo. Pero hanggang kailan, kailangan niya ring maging malakas upang maipagtanggol ang kanyang sarili, alam niyang hindi sa lahat ng oras ay maipagtatanggol siya ni Hyulle.
Nagulat pa siya ng paglabas niya ng banyo ay naroon si Hyulle sa loob ng kanyang silid. "Anong ginagawa mo rito?" may pag-aalala niyang nalapitan ito, nakalimutan niyang nakatapis lang siya ng tuwalya. Hindi niya kasi alam na may tao sa loob ng kanyang silid.
"Ang hina mo naman, hindi mo manlang naramdaman na may ibang nilalang rito sa silid mo," sambit ni Hyulle.
"E ano naman, alam ko naman na ikaw lang iyan," napataas ang kilay niya rito. Lumakad siya patungo sa closet niya at kumuha ng maisusuot doon. Hindi na siya ilang kay Hyulle, alam niya kasing ilang ulit naman nang nakita ni Hyulle ang hubad niyang katawan. Kaya naman kahit naroon ito ay nagpatuloy siya sa pagbibihis.
"Inaakit mo ba ako?" mahinang tanong ni Hyulle, na hindi niya akalaing malapit na pala sa kanya.
"Ano? Umalis ka nga diyan, diba malakas kana? Huwag mong sabihin na kailangan mo pa uli ng siping, diba ginawa niyo na? Nasarapan ka na nga, kitang-kita ko, at huwag mong itatanggi," nakasimangot niyang sambit sa lalaki. Napangisi naman ito nang mapansing nagseselos siya, "Alam mo para sa mga werewolf wala lang iyon, ginawa lang namin iyon para makapagsalin ng lakas," napapailing na sambit ni Hyulle.
"Kapag nanghihina ka, sabihin mo lang sa akin, sasalinan kitang muli ng dugo ko, ayan lumakas ka na, nanauli na ang lakas mo dahil sinalinan kita ng dugo." Napakumpas pa siya ng mga kamay niya, at tiningnan ito ng may pagmamalaki. Ngunit dumilim naman ang mukha ni Hyulle, sa mga sinabi niya.
Nagulat siya nang bigla na lamang siyang kabigin nito at yakapin ng mahigpit, "Huwag na huwag mo nang uulitin ang ginawa mo, sa susunod ang dapat mong gawin ay tumakas!" sambit pa ni Hyulle habang yakap siya nito ng mahigpit. Bigla namang lumamlam ang kanyang paningin, hindi niya napigilan ang hindi mapaiyak, at naririnig ni Hyulle, ang malakas na pintig ng kanyang puso, "Paslangin mo ako kung iyon ang kinakailangan," sambit niya sa binata. Napabitiw naman si Hyulle at pinagmasdan siya, nagulat ito sa mga salitang sinasabi niya. "Anong ibig mong sabihin?"
"Alam kong ikaw ang nakatakdang pumatay sa akin, at kung nahihirapan kang sundin iyon dahil ako ang mate mo, gawin mo kung iyon ang makapagliligtas ng buhay mo," sambit pa niya sa binata.
Napatingin si Hyulle, halos hindi niya magawang maibuka ang bibig niya, hindi siya makapaniwala na masasabi ni Polina ang mga bagay na iyon.
"Bakit?"
"Dahil ayokong makita kang nahihirapan ng dahil lang sa akin! Kamuntik ka nang mamatay, bakit mo ba ako inililigtas?"
"Dahil mahal kita."
"Dahil mahal, mahal mo ako? Pero kung hindi ako ang mate mo, magagawa mo akong paslangin, kung ganon kalimutan mo na lang na ako ang mate mo, kung mababago ba iyon, magagawa mo na akong paslangin?" "Tumigil ka na, hindi ko gagawin."Tinangka ni Hyulle na tumalikod at umalis.
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñel5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!
"Gawin mo, lalo na kung para sa ikabubuti mo," umiiyak niyang sambit.
"Hindi ba mahal mo ang mundo? Hindi ba sabi mo mahal mo ang mga tao dahil kauri mo rin sila? Ikaw lang ang makapagliligtas sa kanila," sambit ni Hyulle. "Paano ko nga gagawin? Mahina ako!"
"Gawin natin! Magtiwala ka sa akin, kapag ginawa natin iyon, hindi lang ako ang lalakas, kundi ikaw, makukuha mo ang kapangyarihang nais mo, magiging malakas ka, at hindi mo na ako kakailanganin, p'wede mo na akong iwan kapag nakuha mo na ang lakas na nais mo, baka nga iwan mo na ako,"
Hindi na natiis ni Polina, at tila ipinagkanulo na siya ng kanyang sariling mga paa. Humakbang itong tila may sariling buhay at yumakap sa nakatalikod na si Hyulle. Mahigpit niyang nayakap si Hyulle, habang patuloy na umaagos ang kanyang mga luha. "Hyulle, ikamamatay ko kung makita kitang muli na nasa ganoong kalagayan! Maari bang huwag mo nang gawing iligtas ako, alam kong masakit sa kalooban mo ang kalabanin ang mga kalahi mo," umiiyak pa niyang sambit sa lalaki, habang nakayakap sa nakatalikod na si Hyulle.
Humarap si Hyulle, umangat ang dalawang kamay nito sa kanyang mga pisngi, at mabilis namang bumaba ang mga labi sa kanyang mga labi, naglapat iyon, at sa ilang sandali ay pinagsasaluhan nila ang isang matamis na halik sa isa't isa. Ngunit kapawa sila nagulat ng lumitaw sa harapan nila si Althea, "Kamahalan! Huwag mong gawin! Itigil mo na ito, kahangalan!" "Tumigil ka Althea!"
"Hindi kayo maaaring magsama! Mamatay ang sinumang makipagsiping sa may lahing diyosa!" sigaw ni Althea.
Napalingon siya kay Hyulle. At napailing naman si Hyulle, senyales na huwag siyang maniwala sa mga sinasabi ni Althea.
"Ako ang naatasang paslangin ka, para mapigilan na rin ang gagawing kahangalan ng aming prinsipe, maawa ka sa kanya, kung talagang mahal mo siya, paslangin mo na lang ang sarili mo!" sigaw ni Althea. Sabay inihagis nito ang punyal na nakasugat kay Hyulle, ginawa talaga iyon para sa kanya.
"Althea!" galit na sigaw ni Hyulle, at mabilis nitong sinakal si Althea.
"A-anong ginagawa mo...ka...ma--"
"Tama na Hyulle!" sigaw naman ni Polina.
"Huwag kang makinig sa kanya! Hindi ba mahal mo ang mundo! Makinig ka sa akin! Sa akin ka lang makikinig," sambit ni Hyulle. Ngunit naguguluhan siyang nailing-iling. Hawak niya ang punyal, at isa lang ang naiisip niya. Bagamat kahangalan ang gawin ang sinasabi ni Hyulle ng hindi nag-iisaip, ngunit handa siyang ibigay ang buhay niya para sa lalaking minamahal.
At nang tatangkain na niyang itarak iyon sa kanya puso, mabilis na nakalapit si Hyulle, at inagaw sa kanya ang punyal.
"Makinig ka, Polina, namatay ang ama mo dahil nilapastangan niya ang iyong ina, na may lahing pagkadiyosa, kaya ganoon ang kulay ng kanyang mga mata, nahulog ang isang diyosa sa lupa, mula sa asul na buwan, sumanib siya sa ipinagbubuntis ng iyong lola, at iyon ang iyong ina, kaya taglay niya ang kapangyarihan ng diyosa ng asul na buwan, iyon ay taglay mo rin, kapag nagsiping kayo, mamatay si Hyulle!" sigaw pang muli ni Althea, nang bitiwan siya ni Hyulle, upang agawin ang punyal.
Dahil sa kanyang mga sinabi ay nasampal ito ng malakas ni Hyulle, at nawalan ng malay ang babaeng werewolf. Napasalampak na lamang siya sa sahig habang hindi makapaniwala sa mga narinig, nanglalaki ang mga mata niyang napapailing- iling, hawak niya ang kanyang dibdib, at halos humahangos, hinahabol niya ang kanyang hininga, na para bang mauubos iyon anumang sandali.
"Huwag kang maniwala, sa 'kin ka lang maniwala, hindi ba nais mo ang mundong ito, magulo ngayon sa labas, naglipana ang mga halimaw na werewolf na nanalakay sa iba't ibang lugar, may balak ka bang iligtas ang mga tao? Sa akin ka magtiwala," nakikiusap na sambit ni Hyulle sa kanya. Tinupok ng mala-apoy na kapangyarihan ni Hyulle ang punyal na kanina ay nais nang gamitin ni Polina sa kanyang sarili. Nilapitan siya nito, hinawakan ang kanyang mukha, hinawi nito ang mahabang buhok na tumatakip sa do'n. Hinalikan siya sa noo, at muling niyakap.
"Paano kung mamatay ka? Paano kung matulad ka sa akin ama?" nanginginig sa takot niyang sambit sa lalaking si Hyulle, na noon ay inaamin na niyang kanya na ring iniibig